Cagayan, Army Spikers pipitasin ang tiket sa semis
MANILA, Philippines - Puwesto sa Final Four ang naghihintay sa CagaÂyan Province at Philippine Army sa pagharap sa hiwalay na laro sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Parehong may tig-pitong panalo ang Lady RiÂsing Suns at Lady Troopers kaya’t isa pang panalo ay sapat na para makatiyak ng puwesto sa susunod na yugto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Kalaban ng Cagayan ang Philippine Air Force sa alas-2 ng haÂpon at ipakikita ng tropa ni coach Nestor Pamilar na hindi nawala ang matikas na porma na kanilang ipinaÂmalas sa elimination round kahit nagkaroon ng 12-day break.
Sasandalan ng mga paÂnatiko ng Cagayan na nasa kondisyon pa rin ang mga inaasahan matapos itong maglaro sa Asian WoÂmen’s Volleyball Championship sa Thailand.
Bumangon matapos matalo sa Smart-Maynilad ang gagawin ng Air WoÂmen para makakalas sa pakikisalo sa Net Spikers sa mahalagang ikatlo at apat na puwesto.
Sasandalan naman ng Army ang straight sets panalo sa Philippine National Police sa pagbubukas ng yugto noong Linggo sa pagharap sa Meralco sa tamÂpok na laro dakong alas-4 ng hapon.
Tinalo ng Lady TrooÂpers ang Power Spikers sa pagkikita sa eliminasyon ngunit hindi dapat silang magkumpiyansa dahil totodo sa laro ang Meralco upang makahabol sa semis sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
May 3-4 baraha at nasa ikalimang puwesto ang Meralco at dapat silang manalo para hindi makalayo sa kanila ang apat na nangungunang team.
- Latest