Pinoy tandem kampeon: Orcollo-Corteza giniba ang Dutch Duo sa World Cup
MANILA, Philippines - Nagkatotoo ang pakiÂramdam na magiging maÂganda ang resulta ng paÂngalawang tambalan nina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza sa World Cup of Pool nang hirangin sila bilang kampeon sa 2013 edisyon sa 10-8 panalo kina Niels Feijen at Nick Van den Berg ng Netherlands na idinaos sa York Hall sa Bethnal Green, East London
Unang tinalo nina Orcollo at Corteza sina Ko Pin Yi at Chang Jung-lin ng Chinese Taipei, 9-7, sa semifinals para kunin ang karapatang labanan sina Feijen at Van den Berg na pinatalsik ang nagdedepensang kampeonna sina Mika Immonen at Petri Makkonen ng Finland sa mas kumbinsidong 9-4 iskor.
Race-to-10 ang finals at unang lumayo ang Pilipinas sa 2-0 at 6-3 iskor ngunit bumangon sina Feijen at Van den Berg at lumamang pa sa 8-7.
Ngunit nakaramdam ng pressure si Feijen na sumablay para magkatabla ang dalawa sa 8-all. Sa sumunod na rack ay napasok ni Corteza ang malayong tira sa 8-ball para unang makarating sa Hill ang dalawa.
Wala ng problema sa 18th rack para kina Orcollo at Corteza upang maibigay sa Pilipinas ang ikatlong World Cup of Pool titles matapos hagipin nina Efren “Bata†Reyes at Francisco “Django†Bustamante ang 2005 at 2009 titles.
“I reached the final of the World Cup in Manila in 2010 but we came up short so it’s fantastic to win here in London,†wika ni Orcollo sa panayam ng Azbilliards.
Pinasalamatan naman ni Corteza ang mga Pinoy na sumuporta sa kanila para maibaon sa limot ang first round na pagkatalo sa unang tambalan nila ni Orcollo noong nakaraang taon na ginawa sa Pilipinas.
Sa Pilipinas, pinuri naman ni Bugsy Promotions owner Ceferino “Perry†Mariano ang karangalang ibinigay nina Orcollo at Corteza na number three at four sa world ranking ng World Pool Association (WPA).
“Kung iisipin mo, hindi sila nakapag-practice ng magkasama sila Dennis at Lee Van tulad ng ibang kalaban nila. Hindi naman dapat nating ikagulat ito dahil sina Dennis, Lee Van at Carlo Biado ang mga pillars ng Philippine billiards today,†wika ni Mariano na manager din nina Orcollo at Biado.
Ang panalo ay nagkahalaga ng $60,000.00 mula sa $250,000.00 premyo na pinaglabanan.
- Latest