^

PSN Palaro

Lady Troopers lumapit sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumapit na ang Philippine Army sa kalahating laro sa nangungunang Cagayan sa pamamagitan ng  25-13, 25-23, 25-22, panalo sa Philippine National Police sa pagbubukas kahapon ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng Lady Troo-pers ang Lady Patrolers dahil kontrolado nila ang laro at kahit binigyan ng magandang laban sa second at third sets ay nanaig pa rin sa rambulan sa mahahalagang puntos tungo sa 7-1 baraha sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

May 47-38 bentahe sa attack points ang Army at sina Rachel Anne Daquis at Mary Jean Balse ay tumapos taglay ang tig-15 puntos tampok ang 12 at 11 kills.

Nagdagdag si Jovelyn Gonzaga ng 11 hits tampok ang tatlong service aces habang si Cristina Salak ay may 32 excellent sets bukod sa 2 blocks tungo sa 5 puntos.

Sina Janine Nicole Marciano at Thai import Sangmuang Patcharee ay may 12 at 10 puntos  bukod pa ang inilistang tig-walong kills pero kulang ang suporta ng mga kasamahan para bumaba sa ikaanim na pagkatalo sa walong laro.

Isang panalo pa ang kailangan ng Army upang makatiyak ng playoff para sa semifinals sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

 

vuukle comment

CRISTINA SALAK

JOVELYN GONZAGA

LADY PATROLERS

LADY TROO

MARY JEAN BALSE

OPEN CONFERENCE

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RACHEL ANNE DAQUIS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with