Altas lumapit sa twice-to-beat
Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
4 p.m. St Benilde vs SSC (Srs.)
6 p.m. AU vs JRU (Ssrs.)
MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ng Perpetual Help na makuha ang ika-11 panalo matapos ang 14 laro nang kalusin ang Mapua, 73-65, sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Isang 7-0 bomba sa pagsisimula ng huling yugto ang nagbigay ng double-digits kalamangan sa Altas para tuluyang iwanan ang Cardinals na natalo sa ika-11 sunod na pagkakataon tungo sa 1-12 nangungulelat na baraha.
Si Juneric Baloria ay gumawa ng 18 puntos kahit may iniinda sa katawan at ang kanyang nakumpletong 3-point play ang nagtulak sa Altas sa 65-52 bentahe.
Hindi kinulang sa suporta si Baloria dahil sina Harold Arboleda at Justine Alano ay mayroong double-double na 17-12 at 12-10 puntos-rebounds habang si Earl Thompson ay tumapos bitbit ang 13 puntos.
May 10 assists at 11 rebounds pa si Nosa Omorogbe para maisanÂtabi ang mahinang limang puntos sa laro.
Nasayang naman ang magandang panimula ng Cardinals para walisin sila ng Altas sa kanilang head-to-head ngayong taon.
Lumamang pa ang Cardinals sa first period, 22-20, at nakatabla pa sa first half, 37-all, pero hindi nasustinahan ng bataan ni coach Fortunato “Atoy†Co ang maalab na opensa sa huÂling 20 minutos para ibigay ang panalo.
Si Mark Brana ay mayroong 18 puntos pero si Kenneth Ighalo ay gumawa lamang ng walong puntos habang walang naipakita si Joseph Eriobu.
Sa ikalawang laro, ginulantang ng Emilio Aguinaldo College ang Letran College matapos kunin ang 87-64 panalo.
Dahil sa kabiguan sa Generals ay nalaglag ang Knights sa ikatlong puwesto.
Perpetual (73) -- Baloria 18, Arboleda 17, Thompson 13, Alano 12, Omorogbe 5, Elopre 5, Bitoy 3, Dizon 0, Bantayan 0, Lucente 0.
Mapua (65) -- Brana 19, Biteng 18, Isit 10, Ighalo 8, Magsigay 4, Saitanan 4, Estrella 2, Gabo 0, Eriobu 0.
Quarterscores: 20-22, 37-37, 55-50, 73-65.
- Latest