^

PSN Palaro

888.com World Cup of Pool: Orcollo-Corteza tandem pasok sa Last 8

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumasok na sa quarterfinals ng 888.com World Cup of Pool ang  tamba­lang Dennis Orcollo at Lee Van Corteza ng Pilipinas nang kalusin ang Singapore, 7-3, na ginaganap sa London, England.

Lutang ang pagiging beterano nina Orcollo at Corteza, ang number three at four sa rankings ng World Pool Association, para umabante sa Last 8 laban sa Hungary na binubuo nina Balazs Mikos at Gabor Solymosi.

Kinuha agad ng Pilipinas ang unang dalawang racks at kahit dumikit pa ang Singaporeans na kinatawan nina Chang Keng Kwang at 17-anyos Aloysius Yapp, sa 2-3, nanalasa uli sina Orcollo at Corteza sa sumunod na apat na racks, kasama ang break-run four sa seventh rack, para sa 6-2 kalamangan.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na magkapareha sina Orcollo at Corteza matapos manalo sa first round sa Croatia, 7-4, at balak pa nilang palawigin ang magandang samahan kung magwagi kina Mikos at Solymosi na pinagpahingang sina Konstantin Stepanov at Ruslan Chinakhov ng Russia, 7-4.

Noong nakaraang taon sa kompetisyong ginawa sa Robinson’s Place Malate, Manila ay hindi pinalad na umabante ng first round sina Orcollo at Corteza nang natalo agad kina Dimitri Jungo at Ronni Regli ng Switzerland, 8-7.

Magtatapat ang Finland at England B, Holland at Japan at Chinese Taipei kontra England A sa iba pang quarterfinals matches para madetermina ang mga aabante sa semifinals.

May kabuuang $250k ang premyo at ang mananalo ay mag-uuwi ng $60,000.00.

 

vuukle comment

ALOYSIUS YAPP

BALAZS MIKOS

CHANG KENG KWANG

CHINESE TAIPEI

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

DIMITRI JUNGO

ENGLAND A

ENGLAND B

ORCOLLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with