^

PSN Palaro

Texters huhugot ng lakas kay Fells vs Painters

RC - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome,

 Pasay City)

5:15 p.m. Alaska

vs Barako Bull

7:30 p.m. Talk ‘N Text

 vs Rain or Shine

 

MANILA, Philippines - Sa hangaring makapasok sa eight-team quarterfinal round ay hinugot ng Talk ‘N Text si Courtney Fells bilang kapalit ni Tony Mitchell.

Ipaparada ng Tropang Texters si Fells sa pagsagupa sa nagdedepensang Rain or Shine Elasto Pain­ters ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Barako Bull at Alaska sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kasalukuyang nasa isang three-game losing slump ang Texters at naghahangad na maipanalo ang kanilang huling dalawang laro sa tsansang makaabante sa quarterfinals.

Nakita ang 27-anyos na si Fells para sa Boston Cel­tics sa nakaraang NBA Summer League kung saan siya nagposte ng mga a­verages na 7.2 points, 1.8 rebounds at 1.6 steals.

Nagmula ang Tropang Texters sa 102-106 kabiguan sa Air21 Express noong nakaraang Biyernes para sa kanilang ikatlong sunod na kamalasan.

Kagaya ng Texters, nanggaling  din sa pagkatalo ang Painters matapos lusutan ng Ginebra, 100-101, no­ong Sabado.

vuukle comment

BARAKO BULL

BOSTON CEL

COURTNEY FELLS

CUNETA ASTRODOME

LARO NGAYON

N TEXT

PASAY CITY

SHINE ELASTO PAIN

SUMMER LEAGUE

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with