^

PSN Palaro

Power Pinays nakatikim din ng panalo sa AWVC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - NAKHON RATCHASIMA, Thailand--Inungusan ng Power Pinays ang Sri Lanka, 19-25, 25-18, 19-25, 25-23, 15-11, sa 17th Asian Women’s Volleyball Championship sa MCC Hall noong Lunes ng gabi.

Ito ang unang panalo ng bansa sa nasabing biennial meet matapos ang walong taon.

Ang naturang tagum­pay ang nagbigay sa 16th-ranked na Power Pinays na lumaban para sa ika-9 hanggang ika-12 puwesto sa classification phase kung mananalo sila sa Myanmar.

“Pag nanalo tayo sa Myanmar, lalaban tayo for placing.” sabi ni coach Ernesto Pamilar.

Naiwanan ng isang set ng 13th ranked na Sri Lanka, winalis ng Power Pinays ang huling dalawang sets para kunin ang panalo.

Pinamunuan ni veteran Aiza Maizo-Pontillas ang pagbangon ng koponan sa deciding set kung saan sila bumawi mula sa 9-11 paghahabol para umiskor ng anim na puntos.

Tumapos ang 5-foot-10 University of Santo Tomas alumnus na may team-high 22 points mula sa kanyang 16 attacks, five blocks at isang service ace.

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ASIAN WOMEN

ERNESTO PAMILAR

INUNGUSAN

MYANMAR

POWER PINAYS

SRI LANKA

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with