^

PSN Palaro

Army Spikers sa quarters; Airforce Netters pe-playoff

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilimitahan ng Philippine Army sa tig-10 attack points ang Meralco sa unang dalawang sets tungo sa 25-21, 25-16, 25-18, straight sets panalo at angkinin na rin ang quarterfinals sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Masigla na naglaro ang lahat ng ginamit sa Lady Troopers para makaba­ngon agad mula sa straight sets na pagkakadurog sa kamay ng Cagayan Pro­vince at hawakan ang ikalawang puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s sa 4-1 baraha.

“Sobrang pangit ang ipinakita namin last game kaya ipinangako namin na hinding-hindi na nito mauulit pa,” wika ng beteranong si Mary Jean Balse na gumawa ng na­ngungunang 16 hits mula sa limang service aces at tatlong blocks.

Ang Cagayan (7-0) at Smart-Maynilad (4-2) ang iba pang koponan na naka­tiyak na ng puwesto sa su­sunod na round sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

May 45 attack points ang Army at si Jovelyn Gon­zaga ay may siyam na kills bukod sa apat na blocks tungo sa 13 puntos. May limang digs pa siya para maipakita ang husay din sa pagdepensa.

May 18 hits, tampok ang 16 kills, si Joy Cases para  pamunuan ang 25-18, 25-19, 25-16, panalo ng Air Force sa Philippine Navy sa unang laro.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Air Women sa limang laro para hawakan na rin ang playoff para sa ikaanim at huling puwesto patungong quarterfinals sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Ikalimang pagkatalo sa anim na laro ang tinamo ng Navy Sailors.

AIR FORCE

AIR WOMEN

ANG CAGAYAN

CAGAYAN PRO

JOVELYN GON

JOY CASES

LADY TROOPERS

MARY JEAN BALSE

MIKASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with