^

PSN Palaro

World 9-Ball Championships: Corteza, Gabica pasok sa Last 16

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang galing ni Lee Van Corteza para kalusin si 2007 champion Daryl  Peach ng Great Britain, 11-4, sa second round ng 2013 World 9-Ball Championship na ginagawa sa Alarabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Matapos kunin ang unang rack ay hindi binigyan ng pagkakataon ni Corteza na makatikim ng kalamangan si Peach upang katampukan ang ikalawang panalo sa torneong kinakikitaan ng pinakamahuhusay na pool pla-yers sa mundo.

Sinibak sa round-of-64 si Manuel Gama ng Portugal sa pamamagitan ng come-from-behind na 11-7 panalo, sunod na makakatuos ni Corteza si Nick Ekonomopoulos ng Greece na sinibak ni Mario He ng Austria, 11-6.

Umusad din si 2006 Doha Asian Games gold medalist Antonio Gabica para pawiin ang pagkatalo ni Israel Rota sa mga maaagang laro ng mga Pinoy cue artists.

Tumibay ang mga sargo at tumbok ni Gabica mula sa 5-4 iskor tungo sa 11-8 pangingibabaw laban kay Oliver Ortmann ng Germany at ikasa ang pagkikita nila ni Ko Pin Yi ng Chinese Taipei sa third round.

Tinalo ni Yi si Mika Immonen ng Finland sa 11-8 iskor.

Ininda naman ni Rota ang mahinang panimula laban kay Lo Li Wen ng Chinese Taipei para sa masaklap na 2-11 pagkatalo at mamaalam sa torneo taglay ang $2,500.00 premyo.

Limang pambato pa ng bansa ang lumalaban habang isinusulat ang balitang ito.

Kalaban ni Jeffrey de Luna si Mohammad Zulfikri ng Indonesia; si Ramil Gallego ay kasukatan si Chris Melling ng United Kingdom; katagisan ni Dennis Orcollo si John Morra ng Canada; si Carlo Biado ay kaharap si Shane Van Boening ng USA at si Marlon Manalo ay nakikipagbakbakan kay Fabio Petroni ng Italy.

ALARABI SPORTS CLUB

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIP

CARLO BIADO

CHINESE TAIPEI

CHRIS MELLING

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

DOHA ASIAN GAMES

FABIO PETRONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with