^

PSN Palaro

Pupuntirya ng panalo sa Blazers Altas magpapalakas

R Cadayona - The Philippine Star

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

4 p.m. Lyceumvs AU

6 p.m. St. Benilde

vs Perpetual

MANILA, Philippines - Ang patuloy sa pagkapit sa ikatlong posisyon ang pakay ng Perpetual Help sa pakikipagkita sa College of St. Benilde sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Hangad palakasin ang kanilang tsansa sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat incentive’ sa Final Four, lalabanan ng Altas ang Blazers ngayong alas-6 ng gabi.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay magtutuos naman ang Lyceum Pirates at ang Arellano Chiefs.

Nagmula ang Perpe­tual sa 68-70 kabiguan sa Emilio Aguinaldo noong Set­yembre 7 sa kabila ng pagtatala ng isang 10-point lead sa third quarter.

Sumasakay naman ang St. Benilde sa isang two-game winning run matapos talunin ang Mapua, 74-62, noong Setyembre 7 at ang Jose Rizal University, 57-55, noong Setyembre 2.

Tinalo ng Altas ang Bla­zers sa overtime, 90-89, sa first round noong Agosto 26.

Muling ibabandera ng Perpetual sina Nigerian import Nousa Omorogbe, rookie sensation Juneric Baloria at Harold Arboleda katapat sina Mark Romero, Juan Paolo Taha at Roberto Bartolo ng St. Benilde.

 

ALTAS

ARELLANO CHIEFS

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO

FINAL FOUR

HAROLD ARBOLEDA

SAN JUAN

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with