Laro sa Sabado
(MOA Arena, Pasay City)
2 p.m. Adamson vs UE
4 p.m. UST vs La Salle
MANILA, Philippines - Naipamalas uli ng NaÂÂtional University ang magandang samahan para daigin uli ang AteÂneo,70-65, at okupahan na ang isa sa dalawang twice-to-beat advantage na ipamamahagi sa maÂngungunang dalawang koponan sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa puntong nananakot ang Blue Eagles na agawin pa ang panalo, nagpakita ng tiwala sa isa’t isa ang Bulldogs para wakasan ang kampanya sa double round elimination bitbit ang 10-4 baraha.
Maluwag sa dibdib na ipinasa ni Bobby Parks Jr. ang bola sa nalibreng si Lee Dennice Villamor na naipasok ang krusyal na tres na nag-angat sa kanilang kalamangan sa lima, 68-63, bagay na kanilang napangalagaan hanggang sa natapos ang liga.
Kumuha muna ang FEU ng 87-69 panalo sa UP sa unang laro para makasalo ang Bulldogs sa 10-4 baraha.
May posibilidad na umangat din sa nasabing karta ang La Salle kung manalo sa UST sa Sabado.
Kung magkakaganito, ang NU ang lalabas na number one dahil sa taglay na pinakamagandang quotient at maiiwan ang FEU at La Salle na maglaban para sa number two spot.
Pero kung matalo ang Archers, ang FEU ang lalabas bilang number one at number two ang NU.
Bumaba ang Ateneo sa 7-6 baraha at kailaÂngang manalangin na matalo ang UST sa La Salle para magkaroon sila ng knockout game para sa huling upuan sa semifinals.
FEU 87--Romeo 33, Tolomia 15, Pogoy 9, Garcia 8, Hargrove 7, Cruz 4, Belo 4, Aguilon 3, Sentcheu 2, Delfinado 2, Inigo 0, Luz 0.
UP 69--Marata 23, Soyud 14, Lao 6, Gallarza 6, Suarez 5, Wong 4, Ligad 3, Gingerich 3, Harris 2, Ball 2k Desiderio 1, Amar 0.
Quarterscores: 20-8; 46-28; 67-49; 87-69.
NU 70--Parks 24, Mbe 17, Villamor 9, Alejandro 5, Khobuntin 4, Alolino 4, Porter 3, Javelona 3, Rono 1, Rosario 0, Javillonar 0.
Ateneo 65--Newsome 17, Erram 11, Tiongson 8, Elorde 8, Pessumal 7, Buenafe 7, Golla 4, Ravena 3, Tolentino 0, Capacio 0.
Quarterscores: 21-18; 33-29; 49-45; 70-65.