^

PSN Palaro

Benedicto, Abad kampeon sa Active Health Duathlon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagparamdam si Augus­to Benedicto ng kan­yang pagnanais na mabawi ang number one seeding kay Robeno Javier habang ang World Games veteran na si Mirasol Abad ay nagdomina sa kanyang dibisyon sa idinaos na Active Health Duathlon kahapon sa SCTEX South Clark Exit, Clark, Pampanga.

Pinagtulungang inorga­nisa ng BIKE KING sa pa­ngunguna ni Raul Cuevas at Unilab Active Health, si Benedicto ay naorasan ng isang oras, 36 minuto at 29 segundo sa 6-k run, 40-k bike at 4-k run event para talunin si Robeno na may 1:38:25 tiyempo.

Si Robeno ang siyang number one sa ngayon habang ang papasibol na si Carlo Pedregosa ang pumangatlo sa 1:38:50 tiyempo.

Wala namang nakasa­bay sa kababaihan sa kondisyon na si Abad na gumawa ng 1:52:49 at mahigit na tatlong minuto ang layo niya kay Kim Mangrobang  na may 1:55:54.

Ang dating pambato sa triathlon na si Alessandra Gonzales ang nanalo ng bronze medal sa 1:56:49.

Halagang P10,000, P8,000 at P7,000 ang prem­yong napanalunan ng nangunang tatlong manlalaro sa elite divisions na ipinamigay nina Cuevas at Lester Castillo ng Unilab.

ACTIVE HEALTH DUATHLON

ALESSANDRA GONZALES

BENEDICTO

CARLO PEDREGOSA

KIM MANGROBANG

LESTER CASTILLO

MIRASOL ABAD

RAUL CUEVAS

ROBENO JAVIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with