Mikee magiging IOC member
MANILA, Philippines - Ang rubber stamp na lamang ang kailangan ni Mikee Cojuangco-Jaworski para maging miyembro ng International Olympic Committee.
Nang bitbitin ng 39-anÂyos na si Cojuangco ang kanyang bagahe para sa isang 36-hour trip paÂpunta sa Buenos Aires ilang araw na ang nakararaan ay isang paa na ang kanyang naitapak sa IOC.
Noong Hulyo ay usap-usapan nang makakamit ng 2002 Asian Games gold medalist ang basbas ng IOC bago ang pulong sa Buenos Aires.
Ang iba pang kukumpirmahin bilang miyembro ng IOC bukod kay Jaworski, papalit kay Frank Elizalde bilang kinatawan ng IOC sa Pilipinas ay sina Octavian Morariu ng Romania, Bernard Rajzman ng Brazil, Alexander Zhukov ng Russia, Paul Kibii Tergat ng Kenya, Lawrence Probst III ng United States, Dagmawit Girmay Berhane ng Ethiopia, Camiel Eurlings ng the Netherlands at Stefan Holm ng Sweden.
Ang Filipina equestrian champion ay sinamahan ng kanyang asawang si Dodot, habang ang kanyang amang si Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco ay magtutungo sa Buenos Aires mula sa United States.
- Latest

















