Barako sumalo sa 2nd, iniligwak ang Globalport
MANILA, Philippines - Ito ang ‘character’ na hiÂnahanap ni active consultant Rajko Toroman sa Energy.
Bumangon ang Barako Bull mula sa isang 18-point deficit sa third quarter para balikan ang Globalport, 98-97, sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumipa si import Michael Singletary ng 14 sa kanyang game-high 43 points sa final canto, habang iniskor ni Danny Seigle ang lahat ng kanyang 10 markers sa nasabing yugto para sa Energy.
Pinangunahan naman ni reinforcement Markeith Cummings ang Batang Pier, nalasap ang kanilang ikatlong dikit na kabiguan, mula sa kanyang 40 points kasunod ang 16 ni Sol Mercado, 11 ni Gary David at 10 ni Yousef Taha.
Mula sa 55-43 abante sa first half ay pinalaki pa ng Globalport ang kanilang bentahe sa 18 points, 75-57, sa 5:16 ng third period.
Sa likod nina Singletary at Seigle ay nakatabla naman ang Barako Bull sa 85-85 sa ilalim ng huling anim na minuto sa fourth quarter.
“This is the character that I was looking for in the team,†sabi ni Toroman sa naturang pagbangon ng Energy buhat sa 18-point deficit sa third period.
Huling natikman ng Batang Pier ang kalamaÂngan sa 94-91 buhat sa jumper ni Cummings hanggang isalpak ni Singletary ang dalawang free throws at kumonekta ng isang three-point shot si Mark Macapagal para sa 96-94 abante ng Energy sa 1:55 ng laro.
Sa ikalawang laro, tinalo naman ng San Mig Coffee ang Barangay Ginebra, 89-86, para makasalo ang nagdedepensang Rain or Shine sa ikaapat na puwesto.
- Latest



















