^

PSN Palaro

No. 2 pakay ng Judiciary vs MMDA

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Fort Bonifacio Marine Corps Jurado Hall)

2:30 p.m. MMDA vs Judiciary

4:00 p.m.  PNP vs DOJ

5:30 p.m. PhilHealth vs AFP

 

MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ng Judiciary na kunin ang num­ber two seeding sa pagharap sa MMDA sa pagpapatuloy ng 1st UNTV Cup ngayon sa Fort Bonifacio Marine Corps Jurado Hall sa Taguig City.

Unang laro ito sa triple-header na nakahanay at magsisimula sa ganap na alas-2:30 ng hapon at nakataya sa Judiciary ang ikaapat na panalo matapos ang anim na laro.

Nasa ikalawang pu­wes­to ang nasabing ko­po­nan pero kasalo ang  Armed Forces  of  the  Phi­lippines (AFP) na susukatin ang PhilHealth dakong alas-5:30 ng hapon.

Kung sakaling manalo ang Judiciary at AFP, a­angat ang una sa number two at sasamahan ang Philippine National Police sa semifinals dahil tinalo nila ang AFP sa kanilang naunang tagisan.

Hindi naman dapat na magkumpiyansa ang Ju­diciary dahil gagawin ng MMDA ang lahat ng makakaya para makuha ang panalo at manatiling buhay ang paghahabol sa mahalagang puwesto.

May 2-2 baraha ang MMDA katulad ng PhilHealth at puwede nilang maagaw ang ikalawang puwesto kung mawalis nila ang huling dalawang laro.

Lalapit naman ang PNP sa pagwalis sa elimination round sa pagharap sa walang panalong Department of Justice sa ikalawang laro dakong alas-4.

 

vuukle comment

ARMED FORCES

DEPARTMENT OF JUSTICE

FORT BONIFACIO MARINE CORPS JURADO HALL

JU

LARO NGAYON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with