^

PSN Palaro

Romeo itinaas ang Tams

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumawa ng bagong career-high na 32 puntos si Terrence Romeo at ang mainit na FEU ay nangi­babaw sa  Adamson, 92-80, para paigtingin ang paghahabol sa unang dalawang puwesto sa Final Four sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Wala ang sentrong si Anthony Hargrove pero hindi nakaapekto para sa Ta­maraws ang asam na mahalagang panalo dahil nagtala sila ng league season high na 56.1 percent shooting (37-of-66).

Si Romeo na naghatid pa ng 8 rebounds at 4 assists ang namuno sa ma­gandang pagbuslo sa kanyang 13-of-24 performance.

Sa first half ay nagbagsak siya ng 19  puntos para bigyan ang Tamaraws ng 44-40 kalamangan bago gumana ang mga kamay nina Mark Belo at RR Garcia upang tuluyang makahulagpos ang Tamaraws.

Si Belo ay may career-high na 18 puntos bukod sa 9 rebounds at 3 assists  at ang kanyang 3-pointer na nasundan ng isang jumper at dalawang free throws ang naglayo sa FEU sa 51-42.

May 14 puntos, 6 assists, 4 rebounds at 2 steals pa si Garcia at ang tropa ni coach Nash Racela ay nagsolo uli sa ikalawang puwesto sa 9-4 baraha.

Ito naman ang pang-siyam na kabiguan sa 13 laro ng Falcons upang samahan ang UP na talsik na sa kompetisyon.

Nagpatatag din ang UST sa paghahabol ng pu­westo sa Final Four sa pamamagitan ng 63-39 panalo sa Maroons sa unang laro.

May 18 puntos (7-of-10 shooting) at 10 boards si Aljon Mariano, si Kevin Ferrer ay may 12 puntos at 9 boards para katampukan ang ikatlong diretsong panalo ng Tigers tungo sa pumapang-apat na 7-5  baraha.

UST 63-- Mariano 18, Ferrer 12, Teng 9, Daquioag 9, Abdul 7, Bautista 3, Pe 2, Faundo 2, Lao 1, Tan 0, Lao 0.

UP 39-- Marata 12, Lao 6, Soyud 5, Ball 5, Wong 2, Gallarza 2, Desiderio 2, Asilum 2, Harris 1, Paras 0, Pascual 0.

Quarterscores: 14-13; 23-20; 40-33; 63-39.

FEU  92--Romeo 32, Belo 18, Garcia 14, Cruz 8, Mendoza 7, Tolomia 5, Sentcheu 2, Pogoy 2, Lee Yu 2, Jose 2.

Adamson 80-- Trollano 25, Cruz 13, Rios 11, Brondial 9, Inigo 7, Sewa 6, Petilos 3, Cabrera 3, Cabigas 2, Monteclaro 1, Ochea 0, Julkipli 0.

Quarterscores: 21-23; 44-40; 67-55; 92-80.

vuukle comment

ADAMSON

ALJON MARIANO

ANTHONY HARGROVE

CRUZ

FINAL FOUR

GARCIA

KEVIN FERRER

LEE YU

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with