Perpetual magpipilit sumalo sa liderato vs EAC
MANILA, Philippines - Pipilitin ng Perpetual Help na makasalo sa liderato sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College ngayong alas-6 ng gabi sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay magtatagpo naman ang College of St. Benilde at ang Mapua.
Kasalukuyang nasa isang three-game winning streak ang Altas bago sagupain ang Generals, nagmula sa 69-90 kabiguan sa San Sebastian Stags noong Huwebes.
Nalasap ng Knights ang kanilang ikalawang kabiguan sa torneo matapos yumukod sa Pirates, 80-76, noong Huwebes.
Huling biniktima ng Altas ang Chiefs, 82-80, noong Setyembre 2 na tinampukan ng dalawang krusyal na free throws ni Harold Arboleda sa natitirang 6.3 segundo sa final canto.
Bukod kay Arboleda, muli ring aasahan ng 73-anyos na si coach Aric Del Rosario para sa Perpetual sina import Nosa Omorogbe, rookie Junerick Baloria, Scottie Thompson at Justine Alano katapat sina import Happi Noube, Igee King, Jan Jamon at Jack Lord Arquero ng EAC.
Sa unang laro, hangad ng Blazers na masundan ang kanilang 87-85 panalo sa Heavy Bombers noong Setyembre 2 sa pagsagupa sa Cardinals, nakatikim ng 70-77 kabiguan sa Knights noong Agos-to 31.
- Latest