^

PSN Palaro

Pacquiao determinadong ibalik ang pamatay na porma laban kay Rios

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handang tiisin ni Manny Pacquiao ang lahat ng hirap sa pagsasanay upang maibalik ang dating kinatakutang kondisyon.

Sa kanyang panulat na lumabas sa Philbo­xing, sinabi niyang inspirado niyang haharapin ang matinding pagsasanay sa laban nila ni Brandon Rios sa Setyembre 23 sa Macau para muling mabigyan ng kasiyahan ang Samba­yanang Pilipinas.

Ito ang unang laban ni Pacman sa taon at hanap niyang makabangon matapos matalo kina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez noong 2012.

“Inspirado po ako na maibalik ko ang dating saya ng aking mga kababayan na taas-noo na humaharap sa mundo sa bawat panalo na ating naitala,” wika ni Pacquiao sa kanyang panulat.

“Kung maliit na sakit lang ang matatanggap ko sa training, kayang-kaya kong tiisin ito upang maibigay ko muli ang dating res­peto na tinamo ng bawat isa sa atin na iginawad sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo,” dagdag ng Kongresista ng Sarangani Province.

Tiniyak din niyang ma­ayos na ang tinamong sprained ankle na nakuha habang naglalaro ng basketball at nakakatakbo na uli ang Pambansang kamao.

Pitong taon ang tanda ni Pacquiao kay Rios (27) ngunit tiwala ang una na ang malawak na karanasan at ang pagpasok sa laban taglay ang magandang kondisyon ng pa­ngangatawan ay sapat na para manalo uli sa ring.

Mahalaga ang makukuhang tagumpay ni Pacquiao dahil malalaking laban ang posible niyang harapin sa sunod na tapak niya ng ring.

Si World Boxing Organization (WBO) president Paco Valcarcel ay nag­pasabi na bukas siya sa ide­yang pagsabungin sa ikalimang pagkakataon sina Pacquiao at Marquez kapag nagwagi sila sa ka­nilang mga laban.

Kasukatan ni Marquez si Bradley sa Oktubre 12 at kung manalo ang una sa huli ay maagaw niya ang WBO welterweight title na puwedeng paglabanan nila ni Pacquiao sa susunod na taon.

Humabol din si World Boxing Council (WBC) president Jose Sulaiman na itinutulak naman ang kinasasabikang Pacquiao kontra Floyd Mayweather Jr. kung manalo rin si Mayweather sa kanyang laban kontra kay Canelo Alvarez sa Sabado (Setyembre 14).

 

BRANDON RIOS

CANELO ALVAREZ

FLOYD MAYWEATHER JR.

JOSE SULAIMAN

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with