Pacquiao gustong gawin sa Pinas ang ika-5 laban kay Juan Ma
MANILA, Philippines - Kung maitatakda man ang kanilang pang-limang laban ni Juan Manuel Marquez sa 2014 ay gusto ni Manny PacÂÂÂquiao na gawin ito sa Pilipinas.
“Hopefully dito maganap sa Pilipinas,†wika ng Filipino world eight-division champion sa panayam ng ‘Bandila’ noong Lunes ng gabi. “Sisikapin natin na dito mangyari ‘yung promotion sa Pilipinas.â€
Nauna nang sinabi ni World Boxing Organization president Francisco ‘Paco’ Valcarcel na posibleng maitakda ang Pacquiao-Marquez Part 5 kung mananalo sina Pacquiao 54-5-2 ( 38 KOs) at Marquez (54-6-1, 40 KOs) sa kanilang mga laban ngayong taon.
Haharapin ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios para sa WBO International welterweight belt sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Hahamunin naman ni Marquez si WBO welterweight king Timothy Bradley, Jr. sa Oktubre 12 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Ang WBO belt na suot ni Bradley ay kinuha niya kay Pacquiao mula sa isang split decision win noong Hunyo 9, 2012 bago napatumba ni Marquez si ‘Pacman’ sa sixth round noong Disyembre 8.
Magiging mandatory challenger ang 34-anyos na si Pacquiao kung maaagaw ng 40-anyos na si Marquez kay Bradley ang hawak nitong WBO welterweight title.
“Willing tayo, gusto ko ‘yun. Gusto kong mangyari ‘yun,†wika ng Sarangani Congressman kay Marquez.
- Latest