^

PSN Palaro

Phl umakyat sa No. 35 sa FIBA World Rankings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang mata­gum­­pay na kampanya sa nakaraang 27th FIBA-Asia Men’s Championships noong Agosto, umakyat ang posisyon ng Pilipinas sa  No. 35 sa pina­kabagong FIBA Rankings.

Inangkin ng Gilas Pilipinas ang ikalawa sa tatlong tiket para sa 2014 FIBA World Championships sa Spain matapos talunin ang South Korea sa semifinal round ng 2013 FIBA-Asia Championships.

Maliban sa Gilas Pilipinas, kakatawan din para sa Asya ang Iran, ang nagkampeon sa FIBA-Asia Championships, at ang South Korea.

Sa kanyang Twitter account na @coachot, hindi naitago ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang kanyang kasiyahan.

“FIBA World rankings just came out daw. Phi now #35! Yeah baby!,” ani Reyes.

Pumuwesto ang Iran, itinampok si 7-foot-2 NBA player Hamed Hadadi, sa No. 19 sa FIBA Rankings matapos ang 2013 FIBA  Africa Men’s Championships, habang No. 31 naman ang South Korea.

Bagamat nasibak sa FIBA-Asia Men’s Cham­pionships ay nasa No. 12 ang China sa ilalim ng United States (1), Spain (2), Argentina (3), Greece (4) Lithuania (5), Russia (6), Turkey (7), France (8), Brazil (9), Australia (10) at Serbia (11).

Ang iba pang lumahok sa FIBA-Asia Men’s Championships na nasa pinakabagong listahan ng FIBA ay ang Jordan (30), Japan (36), Qatar (43), Chinese-Taipei (43), Kazakhstan (47), India (58), Hong Kong (66), Malaysia (68), Bahrain (70), Saudi Arabia (73) at Thailand (75).

AFRICA MEN

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIA MEN

CHOT REYES

FIBA

GILAS PILIPINAS

HAMED HADADI

HONG KONG

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with