^

PSN Palaro

PNP, Judiciary maglalaglagan sa itaas

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

( Pasig Sports Center )

2:30 p.m. DOJ vs Congress-LGU

4:00 p.m. MMDA vs AFP

5:30 p.m. Judiciary vs PNP

 

 

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Phi­lippine National Police at Judiciary ang liderato sa 1st UNTV Cup na magbabalik-aksyon ngayong hapon sa Pasig Sports Center sa Pasig City .

Sa huling laro dakong alas-5:30 matutunghayan ang tagisan at ang mana­nalo ay lalapit pa sa hangad na awtomatikong puwesto sa Final Four na ibibigay sa mangungunang dalawang koponan.

Napahinga sa laban noong nakaraang linggo, tiyak na puno ng enerhiya  na sasalang ang PNP upang maisulong ang mali­nis na karta na ngayon ay nasa 3-0 baraha.

Hindi naman padadaig ang Judiciary na may tatlong sunod na panalo matapos matalo sa unang laro.

Sina Don Camaso, Ariel Capus at John Hall ang mga magtutulong para sa Judiciary habang ang shooter na si Olan Omiping ang babandera sa PNP.

Unang laro sa alas-2:30 ng hapon ang pagkikita ng Congress-LGU at Department of Justice bago sundan ng tipanan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) dakong alas-4.

 Ang mga larong ito ay handog ng Breakthrough and Milestones Productions International (BMPI) Inc.sa pangunguna ni CEO at Chairman Daniel Razon at mapapanood din ito ng live sa UNTV Channel 37.

 

ARIEL CAPUS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BREAKTHROUGH AND MILESTONES PRODUCTIONS INTERNATIONAL

CHAIRMAN DANIEL RAZON

DEPARTMENT OF JUSTICE

FINAL FOUR

JOHN HALL

LARO NGAYON

PASIG SPORTS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
11 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with