^

PSN Palaro

Reyes aminadong maliit ang tsansa laban sa African teams

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado si National coach Chot Reyes na ma­hi­hirapan ang Gilas Pilipinas sa isa man sa apat na koponang pumasok sa se­mifinal round ng kasaluku­yang 2013 FIBA Afro Basket sa Abidjan, Cote d’Ivoire (Ivory Coast).

Ito ang inihayag ni Re­yes sa kanyang Twitter account na @coachot ka­ha­pon mula sa kanyang ginagawang scouting sa torneo sa Ivory Coast.

“Very slim vs Angola, slim vs d other 3, but at least may chance,” wika ni Reyes sa kanyang Twitter account.

Bukod sa host team na Ivory Coast, ang iba pang umabante sa semis  ay ang Angola, Egypt at Senegal.

Tinalo ng Senegal ang Nigeria, 64-63; giniba ng Angola ang Morocco, 95-73; tinakasan ng Egypt ang Cape Verde, 74-73; at dinaig ng Ivory Coast ang Cameroon, 71-56, sa quarterfinals.

Nakatakdang labanan kagabi ng Ivory Coast ang Angola, habang sasagupain naman ng Egypt ang Senegal kung saan ang dalawang koponang mana­nalo ang awtomatikong makakakuha sa dalawa sa tatlong tiket para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ang ikatlo at huling puwesto ay pag-aagawan naman ng dalawang natalong tropa.

Maliban sa Gilas Pilipinas, ang dalawa pang kakatawan sa Asya sa 2014 FIBA World Cup ay ang Iran, ang nagkampeon sa nakaraang 27th FIBA-Asia Men’s Championships, at Korea.

Huling nakapaglaro ang bansa sa world meet ay noong 1974 sa San Juan, Puerto Rico kung saan tinalo ng mga Pinoy  cagers ang Central African Republic para sa 13th place.

Noong 1954 FIBA World Cup  sa Sao Paolo, Brazil ay nanalo ng bronze medal ang Pilipinas sa likod nina Caloy Loyzaga, Larry Mumar, Frank Rabat, Nap Flores, Mariano Tolentino, Pons Saldana, Ben Francisco, Bayani Amador, Florentino Bautista, Tony Genato, Ramon Manulat at Rafael Barretto.

Para sa 2014 FIBA World Cup, ang 24 koponan ay hahatiin sa apat na grupo na may tig-anim na tropa.

AFRO BASKET

ASIA MEN

BAYANI AMADOR

BEN FRANCISCO

CALOY LOYZAGA

GILAS PILIPINAS

IVORY COAST

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with