^

PSN Palaro

Del Rosario, Miranda bumabandera sa World Cup national finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mainit ang larong nakita kina Liza del Rosario at Raoul Miranda para pa­ngunahan ang second batch ng mga national finalists sa 2013 Bowling World Cup na ginanap kamakailan sa iba’t-ibang bowling center.

Ang national bowler na si Miranda ay nagtala ng 12-game series na 2747 para pangunahan ang kalalakihan.

Nakasunod sa kanya sina Richie Poblete (2669), Mar Serac (2637), Je­remy Posadas (2630), Jeff Carabeo (2470), Jay Catolico (2467), Paulo Valdez (2463) at Benshir Layoso (2461).

Una naman ang be­te­ranang si Del Rosario habang nakasunod sa kanya sina Lara Posadas at Rachelle Leon.

Ang mga nakalusot dito ay sasamahan ng mga manlalarong umabante sa first batch.

Ang lalabas na kampeon sa kalalakihan at ka­babaihan ang kakatawan sa Pilipinas  sa 49th  Bow­ling  World Cup internatio­nal finals na nakatakda mula  Nobyembre 15 hanggang 24 sa Sibiryak Center, Krasnoyarski, Russia.

Ang national finals ay gagawin sa Setyembre 14 at 15 sa Coronado La­nes, Setyembre 17-18 sa Paeng’s Midtown at Set­yembre 20 sa SM Mall of Asia.

Sina Busan Asian Ga­mes gold medalist RJ Bautista at Krizziah Tabora ang mga kumatawan sa bansa noong nakaraang taon sa Wroclaw, Poland at si Tabora ay puwesto ng 14th  place  at si Bautista ay nalagay sa 34th.

 

BAUTISTA

BENSHIR LAYOSO

BOWLING WORLD CUP

CORONADO LA

DEL ROSARIO

JAY CATOLICO

JEFF CARABEO

KRIZZIAH TABORA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with