Pacquiao na-injured sa basketball
MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisiÂmula ang kanilang training camp ni chief trainer Freddie Roach ay nagkaroon na kaagad ng injury si Manny Pacquiao.
Nagkaroon ng sprained ankle injury ang Filipino world eight-division champion habang naglalaro ng basketball noong Sabado.
“Hindi kasi ako naka-suot ng ankle support,†sabi ni Pacquiao sa panayam ng ABS-CBN News.
Ayon sa Sarangani Congressman, hindi naman malala ang naturang injury kaya siya nakadalo sa isang okasyon sa Crown Plaza sa Ortigas kamakalawa.
Nauna nang pinangamÂbahan ni Roach ang pagkakaroon ng ankle injuiry ni Pacquiao sa tuwing maglaÂlaro ito ng basketball bago simulan ang kanilang traiÂning camp.
Maliban sa paglalaro ng basketball, sinimulan na rin ni Pacquiao ang pagtakbo tuwing umaga para paÂlaÂkasin ang kanyang resisÂtensya.
Dalawang Chinese at isang Briton ang ilan sa mga magiging sparring partners ni Pacquiao sa kanyang training camp sa General Santos City bilang paghahanda kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.
Ang mga ito ay sina flyweight Zou Shiming (1-0-0) at lightweight Yang Lian Hui (13-0-0, 9 KOs) ng China at light middleweight Liam Vaughan (8-1-0, 2 KOs) ng Great Britain.
Isang buwan ang magiging training camp ni Pacquiao sa GenSan at ang matitirang dalawang linggo ay gagawin nila ni Roach sa Macau, China.
Maghaharap sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1,
23 KOs) sa isang non-title, welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
- Latest