^

PSN Palaro

2nd Jessie Robredo Memorial Cup: Singapore durog sa Pinay cagebelles

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinurog ng women’s basketball team ang Singa­pore, 74-52, sa pagbubu­kas ng 2nd Discovery Women’s Invitational-Jessie Robredo Memorial Cup noong Huwebes sa Naga City Coliseum, Naga City.

Si Merenciana Arayi  ay mayroong 15 puntos para pamunuan ang pag-atake ng koponang suportado ng Discovery Suites para pasimulan ang labanan sa hanay ng tatlong koponan.

Dikitan ang tagisan sa unang tatlong yugto at angat lamang ang host team ng tatlo, 51-48, sa ikatlong yugto.

Ngunit gumana ang opensa ng tropa ni coach Haydee Ong sa huling yugto at ang 14-0 run ang tuluyang nagbaon sa Si­ngaporeans.

Ang ikatlong koponan na kasali na Australia ay nanaig din sa Singapore, 90-46, kahapon ng umaga.

Walang panapat ang Singapore sa mga higante ng Australia na sina 6’3 Bian­ca Abbott at  6’2 Hanna Zavecz upang malag-lag sa 0-2 karta.

Nagkrus ang landas ng Pilipinas at Australia kahapon ng hapon upang malaman kung sino ang lider matapos ang una sa dalawang ikutan na eliminasyon.

Ang mangungunang da­lawang bansa matapos ang double round ang maglalaban sa Finals sa Linggo.  

Ang ligang ito ay tuneup ng National team para sa pagsali sa FIBA Asia Wo­men’s Championship mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3 sa Bangkok, Thailand.

vuukle comment

ASIA WO

DISCOVERY SUITES

DISCOVERY WOMEN

HANNA ZAVECZ

HAYDEE ONG

INVITATIONAL-JESSIE ROBREDO MEMORIAL CUP

NAGA CITY

NAGA CITY COLISEUM

SI MERENCIANA ARAYI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with