ABAP namahagi ng tulong sa mga biktima ng baha
MANILA, Philippines - Tumugon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa panawagan ng kanilang chairman, si businessman-sportsman Manny V. Pangilinan na magbigay ng tulong sa mga biktima ng malawakang pagbaha dulot ng malalakas na ulan na hatid ng Habagat.
Ang mga National boÂxers at coaches ay kumilos noong Miyerkules ng umaga at sa kinalulugarang ABAP gym ay nagbalot ng mga bigas, canned goods, noodles, biscuit at sandwiches na kanilang dinala sa Barangay Zapote sa Bacoor.
Si Mayor Strike Revilla ang sumalubong sa boxing delegation at tumulong sa pagbibigay ng mga relief goods sa daan-daang pamilya na lumipat sa mga evacuation centers.
Labis-labis ang pasasalamat ni Mayor Revilla sa pagkilos ni MVP, Maynilad at ni ABAP president Ricky Vargas sa pamamagitan ng isinulong na “Tulong Kapatid†program.
Ang mga tumulong sa pamamahagi ng mga relief goods ay sina world women’s champion Josie Gabuco, world junior champion Eumir Felix Marcial, China Open gold medalist Nesthy Petecio, WSB veÂteran Charly Suarez, London Olympian Mark Barriga at world junior bronze medalist Jade Bornea.
Nakasama rin ang mga head coaches na sina Nolito at Roel Velasco, Ronald Chavez at Mitchel Martinez sa pamamahagi ng mga pagkain sa mga binaha.
- Latest