^

PSN Palaro

Garcia ‘di makakalaro, suspindido pagtutulungan kailangan ng FEU sa pagsagupa sa UE

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kailangang makita uli ang pagtutulungan ng mga manlalaro ng FEU para maputol ang dalawang sunod na pagkatalo na nala­sap nila sa pagbubukas ng second round.

Sa Linggo pa babalik ng court ang Tamaraws laban sa UE at mahalaga ang maipanalo ang larong ito para manatiling nakalayo sa pumapangalawang National University.

May 7-2 karta ang FEU habang ang Bulldogs aymayroong 6-3 karta at ang Warriors ay nasa ikatlong puwesto sa 5-3 baraha.

Pilay ang tropa ni coach Nash Racela sa Linggo dahil suspendido ng isang laro si RR Garcia matapos matawagan ng ikalawang unsportsmanlike foul sa natalong laro laban sa La Salle.

Ang pangyayari ay mag­tatanggal sa kamador na si Garcia sa MVP race.

Higit rito, mawawalan ng 13.89 puntos, 3.89 rebounds, 2.89 assists at 1.22 steals ang Tamaraws dahil ito ang averages ni Garcia matapos ang siyam na laro.

“Everybody must step up. We have to show our collective effort if we want to win against UE,” wika ni Racela.

Si Terrence Romeo na katuwang ni Garcia sa pag-atake, ay dapat ding manumbalik ang dating porma para bigyan ng init ang laban ng Tamaraws  sa second round.

Si Romeo ay naghahatid ng 19.78 puntos para sa FEU ngunit sa mga na­talong laro laban sa National University at La Salle, siya ay naghatid lamang ng pinagsamang 20 puntos.

Bukod kay Romeo, si­na Michael Tolomia, Mark Belo, Roger Pogoy, Carl Cruz at Gryann Mendoza ay dapat ding maging agresibo para tapatan ang mainit na paglalaro ng Warriors sa pamumuno ni Roi Sumang.

CARL CRUZ

GARCIA

GRYANN MENDOZA

LA SALLE

MARK BELO

MICHAEL TOLOMIA

NASH RACELA

NATIONAL UNIVERSITY

TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with