^

PSN Palaro

Tanso sigurado na kay Mendoza

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Jurence Mendoza na magi­ging makinang ang kauna-unahang pag­lahok sa 2nd Asian Youth Games nang hawakan na niya ang bronze medal sa larong tennis na ginagawa sa Tennis Academy of China sa Nanjing.

Naipagpatuloy ni Mendoza, ang flag bearer ng Pambansang delegasyon sa opening ceremony, ang magandang laro na nakita mula pa sa first round nang pa­talsikin si Wong Hong Kit ng Hong Kong sa kumbinsidong 6-1, 6-2, panalo sa quarterfinals kahapon.

Umabante ang second seed sa torneo si Mendoza, ang 89th ranked sa mundo, sa semifinals para makatiyak na ng awtomatikong bronze medal.

Ngunit puwede pa niyang gawing pilak o ginto ang kulay ng medalya kung maaalpasan si Garvit Batra na isang Independent Olympic Athlete, na pinagpahinga si Roman Khassanov ng Kazakhstan, 6-1, 6-1.

Ang tagumpay ni Mendoza ay pumawi sa mga kabiguan sa athletics at sa 3-on-3 men’s basketball

Hindi naman pinalad ang kambal na Fil-Am spinters na sina Kayla at Kyla Richardson na makapaghatid ng medalya nang tumapos lamang sa ikalima at anim na puwesto sa girls’ 100-meter run noong Martes ng gabi sa Nanjing OSC Stadium.

Ang 15-anyos na si Kayla ay naorasan ng 12.30 segundo para malagay sa ikalimang puwesto at angat ng walong milliseconds sa kambal na si Kyla.

Ang ginto ay napanalunan ni Mangi Ge ng China sa 11.91 segundo habang ang mga Thai runners na sina Parichat Charoensuk at Kanchanaporn Sintakbsab ang kumuha sa pilak at bronze medals sa 12.19 at 12.26 segundo.

Pinaluha uli ng Iran ang mga panatiko sa basketball nang patalsikin nila ang Pambansang koponan sa 3-on-3 gamit ang 16-14 panalo sa knockout quarterfinals na nilaro sa Wutaishan court kahapon.

Hindi napangalagaan ng Nationals ang 9-2 kalamangan para yumukod ang Pilipinas sa Iran sa ikalawang pagtutuos sa international competition.

vuukle comment

ASIAN YOUTH GAMES

GARVIT BATRA

HONG KONG

INDEPENDENT OLYMPIC ATHLETE

JURENCE MENDOZA

KANCHANAPORN SINTAKBSAB

KAYLA

KYLA RICHARDSON

MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with