^

PSN Palaro

Gasol muling nag-alala sa mga Pinoy

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagama’t isa siyang Spaniard, malapit naman si  NBA superstar Pau Gasol sa mga Filipino.

Sa kanyang Twitter account na @paugasol, ipinara­ting ng Los Angeles Lakers center ang kanyang pag-aalala sa mga nasalanta ng bagyong ‘Maring’.

“All my support to all the families affected by the floods in the Philippines. Be safe and stay strong! #PrayForThe Philippines,” wika ng seven-footer na si Gasol.

Dahil sa pagragasa ng bagyo, napuwersa ang UAAP at NCAA na kanselahin ang kanilang mga itinakdang laro kahapon.

Ang 33-anyos na si Gasol ang unang NBA player na palagiang nagpopost  ng kanyang mensahe tuwing may nararanasang kalamidad ang Pilipinas.

Noong Setyembre ng 2011 ay nanawagan ng tulong si Gasol, aktibo sa kanyang charity work sa iba’t ibang bansa, para sa mga biktima ng bagyong ‘Pedring’.

Dapat sanang nakabisita si Gasol sa bansa noong Nobyembre ng 2011 kundi lamang ito nasabay sa trai­ning camp ng Lakers.

Si Gasol din ang bumati sa Gilas Pilipinas matapos makamit ang ikalawa sa tatlong tiket para sa 2014 FIBA World Championships sa Madrid sa idinaos na 27th FIBA-Asia Men’s Championships na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

ASIA MEN

GASOL

GILAS PILIPINAS

LOS ANGELES LAKERS

MALL OF ASIA ARENA

NOONG SETYEMBRE

PASAY CITY

PAU GASOL

SI GASOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with