NCAA games kanselado dahil kay ‘Maring’
MANILA, Philippines - Dahil sa pagbaha buÂnga ng pagragasa ng bagÂyong ‘Maring’ ay nagdesisyon ang NCAA na ipagpaliban ang dalawang laro sa Season 89.
Magtatapat sana ngaÂyong hapon ang Lyceum at ang San Sebastian, habang maglalaban ang St. Benilde at Perpetual Help sa The Arena sa San Juan City.
Muling itatakda sa ibang petsa ang nasabing mga laro.
“Please be advised that all NCAA basketball games today, August 19, 2013, are cancelled due to floods and continuous rainfall in Metro Manila,†abiso kahapon ni NCAA management committee chairman Dax Castellano ng host College of St. Benilde.
- Latest