Inilaglag ang Philhealth PNP nasolo ang liderato
MANILA, Philippines - Pinayukod ng NatioÂnal Police ang PhilHealth, 100-73, para angkinin ang liderato ng 1st UNTV Cup noÂong Linggo sa Pasig Sports Center sa Pasig City.
Rumatsada si Olan Omiping para ibigay sa PNP ang 3-0 record.
Umiskor ang dating UE hotshot na si Omiping ng 24 points bukod pa sa 9 rebounds at 4 assists kontra sa PhilHealth.
Tumapos ang 6’1 shooting guard na may apat na triples kung saan ang dalawa dito ay kasama sa isang 23-5 atake ng PNP.
“Lumabas ang pagiÂging beterano ni Ollan at siya ang nagdala sa team. Pero ang lahat ng ginamit ko ay tumulong naman at naroroon ang puso at pride ng PNP,†sabi ni coach Raffy Gonzales.
Nagtumpok sina RonalÂdo Abaya, Julius Criste at Jay Misola ng pinagsamang 37 points para pa-lakasin ang tsansa ng PNP sa isang automatic Final Four slots.
Nagtala si Kenneth Emata ng 16 points para sa PhilHealth na may 2-1 kartada sa torneong inorgaÂnisa ng Breakthrough and Milestones Production InÂternational (BMPI) sa pamumuno ni Chairman at CEO Daniel Razon.
Nagtala naman si daÂting PBA player Don CaÂmaso ng 27 points, 20 reÂbounds, 3 steals at 3 blocks, habang nagdagdag si celebrity John Hall ng 22 points para igiya ang Judiciary sa 100-97 panalo kontra sa Armed Forces of the Philippines.
Nalampasan naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang 50-point output ni Ervic Vijandre mula sa kanilang 99-78 panalo laban sa Congress-LGU.
- Latest