So talsik sa World Cup
MANILA, Philippines - Tuluyan nang napatalsik si Grandmaster Wesley So matapos ang isang draw mula sa 23-move ng Marshall Attack sa Ruy Lopez Opening na naging dahilan ng kanyang kabiguan kay Russian GM Evgeny Tomashevsky, .5-1.5, sa second round ng World Chess Cup sa Tromso, NorÂway noong Huwebes ng gabi.
Nauna nang natalo si So buhat sa isang 51-move ng Gruenfeld duel sa una nilang pagtatagpo ni Tomashevsky.
Nakipagkasundo ang 19-anyos na si So sa isang draw sa 26-anyos na si Tomashevsky sa 23rd move.
Nabigo si So, ang Universiade gold medalist, na malampasan ang kanyang second round finish sa torÂneo noong 2011 nang maÂtalo sa tiebreaker kay Russian Sergey Karjakin.
Umabante si So, tinalo si Ukrainian-born Turkish GM Alexander Ipatov, 1.5-.5, sa first round, sa fourth round bago natalo kay Russian GM Vladimir Malakov noong 2009.
Sa nasabing taon ginitla ni So sina dating World Challenger Vassily Ivanchuk ng Ukraine at dating US Olympiad team top board player Gata Kamsky.
- Latest