^

PSN Palaro

Trillo pinalagan ang PBA sa San Mig-Barako trade: Sama ng loob inilabas sa Twitter

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi naitago ni Alaska head coach Luigi Trillo ang kanyang pagkaasar sa Philippine Basketball  Association ukol sa nangyaring trade sa pagitan ng San Mig Coffee at Barako Bull kahapon.

Sa naturang trade, ibinigay ng Mixers sina Wesley Gonzales at Chris Pacana bukod pa ang 2017 second round pick sa Energy kapalit ni Allein Maliksi.

Idinaan ni Trillo sa pa­mamagitan ng kanyang Twitter account na @lui­gitrillo ang saloobin niya hinggil sa inaprubahang San Mig Coffee-Barako Bull trade ni PBA Commissioner Chito Salud.

“Am I bitter? No I’m not just impressed at how teams find ways to strengthen their line ups, quite shocked at Barako’s trades Sad,” wika ni Trillo.

Ayon kay Trillo, iginiya ang Aces sa kampeonato ng nakaraang 2013 PBA Commissioner’s Cup, si Maliksi ang natitirang kamador ng Energy.

“Would you trade James Yap for Bulawan and Celino Cruz? Cannot see the logic In letting a ta­lent like Maliksi go,” ani Trillo.

Ang 6-foot-3 at 25-an­yos na si Maliksi, produkto ng UST Tigers sa UAAP, ay unang naglaro para sa Barako Bull noong 2011 bilang No. 8 pick sa PBA Draft bago dinala sa Barangay Ginebra mula sa isang trade noong nakaraang taon.

Muling nakabalik si Maliksi sa Energy via trade noong Enero ng 2013.

 

ALLEIN MALIKSI

AM I

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BULAWAN AND CELINO CRUZ

CHRIS PACANA

COMMISSIONER CHITO SALUD

JAMES YAP

LUIGI TRILLO

MALIKSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with