Pacquiao minaliit ng uncle ni Mayweather
MANILA, Philippines - Mahihirapan na si Manny Pacquiao na makabaÂngon mula sa kanyang dalawang sunod na kabiguan noong nakaraang taon.
Ito ang pahayag ni Jeff Mayweather, ang uncle/trainer ni Floyd Mayweather, sa panayam ng On The Ropes Boxing Program.
“It’s one of those situations in which some fighters have resiliency and I would say maybe if Pacquiao proÂbably hadn’t have gotten knocked out, cause Pacquiao’s getting older, he’s not getting younger,†ani Jeff.
Natalo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9 kasunod ang pagpapatumba sa kanya ni Juan Manuel Marquez noong Disyembre 8, 2012.
Haharapin ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa isang non-title, welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China..
“No one really knows if Pacquiao’s gonna be able to come back. Rios is a very, very tough fight for him, Rios is a tough fight for anyone. That’s gonna be a fight where neither guy has great defense,†wika pa ni Jeff.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang usap-usapan ukol sa pagtatakda ng laban nina Pacquiao at Mayweather.
Ayon kay Jeff, balewala na kung itutuloy pa ang neÂgosasyon para sa nasabing Pacquiao-Mayweather super fight. “No I don’t think so, I think the fight is meaÂningless now,†sabi ni Jeff. “I think that it’s one of those situations in which Pacquiao had a chance to take the fight and he chose not to.â€
Tatlong beses na bumagsak ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather bout dahil sa isyu sa hatian sa premyo at pagsailalim sa isang Olympic-style random drug at urine testing.
- Latest