Pacman aasa sa suporta ng mga Pinoy
MANILA, Philippines - Isang oras at kalahati lamang ang biyahe mula Pilipinas hanggang sa Macau, China.
Kaya inaasahan ni Filipino world eight-division champion na magkakaroon siya ng ‘homecourt advantage’ laban kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa kanilang non-title, welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau.
“It is good because a lot of people from the Philippines will be able to come and see me fight and they won’t have to get visas,†sabi ni Pacquiao sa kanilang press confeÂrence ni Rios kahapon sa Jing Fong Restaurant sa Chinatown sa Manhattan.
Hindi naman iniisip ni Rios ang naturang bentahe ni Pacquiao pagdating sa mga boxing fans na manonood ng kanilang laÂban.
“I know for a fact it’s going to be a majority of his fans,†wika ni Rios. “But I’m not fighting the fans; I’m fighting Manny Pacquiao. In the ring, it’s just him and me.â€
Ito ang magiging unang laban ni Pacquiao matapos matalo ng dalawang beses kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez noong nakaraang taon.
Sinabi ng 34-anyos na Sarangani Congressman na gusto niyang ipakita na kaya pa niyang magpatumba ng kalaban, kagaya ng 27-anyos na si Rios.
“I know he’s a good fighter. He throws a lot of punches,†ani Pacquiao. “I chose him because I know he can give a good fight . . . I’m going to prove I can still fight and my boxing career isn’t over.†Matapos ang Connecticut at New York ay lilipat naman ang nasabing press tour sa Los Angeles.
Sa General Santos City gagawin ang kabuuan ng pagsasanay ni Pacquiao sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach, habang nasa Oxnard, Los Angeles naman ang traiÂning camp nina Rios at Mexican trainer Robert Garcia.
- Latest





















