Haharapin ang Kazakhstan sa quarters Gilas no. 1 sa group E
MANILA, Philippines - Mayroong dapat ipagpasalamat ang Gilas Pilipinas sa Qatar na kanilang tinalo noong Martes.
Ito ay matapos gibain ng Qatar ang Chinese-Taipei, 71-68, na nagbigay sa Gilas ng No. 1 berth sa quarterfinal round ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships na magsisimula bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“I think can run for president of the Philippines right now, I can get a few votes,†sabi ni Qatar coach Tom Wisman.
Inaasahan nang taÂtaÂÂlunin ng Nationals ang Hong Kong sa kanilang huling laro sa second round kagabi.
Sa knockout quarterfinals ay makakasagupa ng Gilas ang No. 4 Kazakhs-tan, pinayukod ng two-time champion Iran, 85-53.
Lalabanan ng Korea sa quarters ang No. 3 Qatar, iginupo ng Gilas, 80-70, noong Martes, samantalang makakatapat ng No. 2 Chinese-Taipei ang No. 3 at nagdedepensang China.
Sa tournament format, lalabanan ng No. 1 seed (Gilas) sa Group E ang No. 4 (Kazakhstan) sa Group F at sasagupain ng No. 1 (Iran) sa Group F ang No. 4 (Jordan) sa Group E sa knockout quarterfinals.
Ang iba pang maglalaban ay ang No. 2 sa Group E kontra sa No. 3 sa Group F; ang No. 2 sa Group F laban sa No. 3 sa Group E.
Sa panalo ng Iran sa Kazakhstan ay humakot si 7-foot-2 Hamed Hadadi ng 16 points at 9 rebounds sa loob lamang ng 18 minuto, habang nagdagdag si Hamed Afagh ng 15 marÂkers para makatagpo ang Jordan sa quarters.
Tinalo na ng Iranians, nagposte ng malinis na 5-0 record sa first at second round, ang Jordanians, 64-57, sa nakaraang 2013 Jones Cup sa Taiwan.
“We’ll be ready to play against Jordan. We played them already (in the Jones Cup) so they know us, we know them,†sabi ni Iran head coach Mehmed Becirovic sa Jordan na ginitla ang Iranians sa quarterfinals ng 2011 FIBA-Asia ChamÂpionships sa Wuhan, China.
Qatar 71 – Musa 20, Hayes 13, Daoud 10, Saeed 8, Mohamed 7, Ali 7, Abdi 4, Elhadary 2, Saleem 0, Mohammed 0.
Chinese-Taipei 68 – Davis 23, Chen 13, Yang 7, Tien 6, Lu 6, Lee 5, Creighton 5, Tseng 3, Chou 0, Tsai 0, Lin 0.
Quarterscores: 15-15; 29-28; 49-48; 71-68.
- Latest






















