Reyes tiwalang puputok na si ‘El Granada’
MANILA, Philippines - Hindi maikakailang may malaking pinagdaraanan si Gary David.
Sa kanyang tatlong laro sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships, nagtala ang produkto ng Lyceum ng 2-of-18 fieldgoal shooÂting para sa Gilas Pilipinas.
“Siyempre, ilang laro nang medyo nawawala si Gary. Lahat naman kami kinakausap siya eh,†sabi ni power forward Ranidel De Ocampo kay David. “Bilang isa sa matatanda sa team, ako ang nagsasabi sa kanya.â€
“Isang bagay na sinabi ko sa kanya, isipin mo na lang na ang pamilya mo, gusto nilang maipag-maÂlaki ka nila palagi,†dagdag pa nito.
Sa kanilang 90-71 pagÂlampaso sa Japan noong Lunes, tumapos si David na may 5 points, tampok dito ang isang three-point shot sa dulo ng fourth quarter.
Ayon kay De Ocampo, malaki ang magagawa ng naturang produksyon ni David, naglista ng mga averages na 25 points, 3.8 rebounds at 2.4 assists per game sa 2011-2012 PBA Philippine Cup, para sa mga susunod na laro ng Gilas.
“Malaking bagay ‘yung nangyari na bago matapos ‘yung laro, naka-shoot siya, so madadala niya ‘yun sa susunod na laro,†sabi ni De Ocampo kay David, ang unang local cager na umiskor ng 30 points sa anim na magkakasunod na laro para sa Coca-Cola sa 2011-2012 PBA Philippine Cup.
Kagaya ni De Ocampo, binibigyan din ni head coach Chot Reyes ng kumpiyansa si David.
Sinabi ni Reyes na hindi nila pinag-uusapan ang nangyayari sa 35-anyos na si David sa torneo.
“I thought if I talked to him about it, the more pressured he’d get. So we just went through our regular routines yesterday. We didn’t really talk about it,†ani Reyes.
Marami ang umaaÂsang muling puputok si ‘El Granada’ sa mga krusyal na laro ng Nationals.
- Latest