^

PSN Palaro

PNP, Philhealth umiskor din Vijandre nagbida sa panalo ng Congres-LGU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi  inalintana ng Con­gress-LGU ang kawalan ng practice bago sumabak sa laro sa 1st UNTV Cup nang pataubin ang Judiciary, 99-95, noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang celebrity na si Ervic Vijandre ay gumawa ng tournament high na 38 puntos at siyang kumamada ng mga mahahalagang buslo para maisantabi ang ma­lakas na hamon ng Judiciary na binalikat nina ex-PBA player Don Camaso, Ariel Capus at celebrity John Hall.

“Ngayon lamang kami nagkasama-sama at ito ang unang practice game at actual game namin. Ang ginawa lamang namin ay sinikap na maging close game para may tsansa na manalo sa huli,” wika ng dating PBA at playing coach ng Congress-LGU na si  Gerry Esplana.

Nakalayo na ang kopo­nan sa 12 puntos, 70-58, pero nakabalikwas ang Judiciary ng hanggang da­lawang puntos, 97-95, sa pagtutulungan nina Ca­maso, Capus at Hall.

Ngunit minalas naman sina Camaso at Hall na su­mablay sa pinakawalang tres habang sina CIBAC Partylist Congressman Sherwin Tugna at Vijandre ay tumugon sa magkasunod na split sa 15-footline tungo sa unang panalo sa pitong team na liga na inor­ganisa ng Breakthrough and Milestones Production International (BMPI) na pinamumunuan ni Chairman at CEO Daniel Razon.

Sumalo rin sa lideratong naunang tangan ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ang mga koponan ng Philippine National Police at PhilHealth na nagwagi sa magkahiwalay na laro.

ARIEL CAPUS

ARMED FORCES OF THE PHI

BREAKTHROUGH AND MILESTONES PRODUCTION INTERNATIONAL

DANIEL RAZON

DON CAMASO

ERVIC VIJANDRE

GERRY ESPLANA

JOHN HALL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with