Iran, Chinese Taipei lumapit sa top 3
MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ng two-time champions Iran at Chinese-Taipei ang kanilang ratsada palapit sa inaasam na pagsikwat sa No. 1 spot.
Giniba ng Iran ang India, 102-58, habang binigo ng Chinese-Taipei ang Hong Kong, 94-55, sa second round ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umiskor si Hamed Afagh ng 16 points para sa Iranians (3-0) kasunod ang 15 ni Samad Nikkhah Bahrami at 14 ni Hamed Sohrabnejad laban sa India (0-3) sa Group F.
Naglaro lamang sa loob ng 16 minuto si 7-foot-2 Hamed Hadadi, kumampanya sa NBA para sa Memphis Grizzlies at Phoenix Suns, ngunit nagtala ng 16 points at 7 rebounds para sa Iran.
Nag-alala si coach Mehmed Becirovic nang tumama ang ulo ni point guard Mahdi Kamrany sa tuhod ni Rikin Pethani sa third period at hindi na nakabalik sa laro.
“He got hit in the head, but it’s not serious,†sabi ni Becirovic kay Kamrany, tumapos na may 8 markers.
Tumipa naman si Chen Shih-Chieh ng 13 points kasunod ang 12 ni Tien Lei, tig-11 nina Lu Cheng-Ju at naturalized Douglas Creighton at 10 ni Yang Chi-Min para banderahan ang Chinese-Taipei (3-0) sa panalo laban sa Hong Kong (0-3) sa Group E.
Nakatabla ang Hong Kong sa 19-19 sa first period bago naiwanan ng Taiwanese, tinalo ang Gilas Pilipinas, 84-79, sa first round, sa halftime bitbit ang 32-43 abante.
Kumolekta ang Chinese-Taipei ng 31 points sa kabuuan ng third quarter para ganap nang alisan ng pag-asa ang Hong Kong na nalimita sa 11 markers.
Sa ikaapat na laro, pinayukod ng nagdedepensang China (1-2) ang Kazakhstan (2-1) sa pamamagitan ng 73-67 panalo sa Group F.
Iran 102 – Afagh 16, Bahrami 15, Sohrabnejad 14, Hadadi 12, Kardoust 12, Davari 8, Kamrany 8, Jamshidijafarabadi 7, Davoudichegani 7, Veisi 2, Arghavan 1, Sahakian 0.
India 58 – Bhriguvanshi 15, Grewal 10, Amjyot 10, Pratham 5, Amritpal 5, Yadwinder 4, Pethani 4, Joginder 3, Kaushik 2, Kadam 0, Singh 0, Bharama 0.
Quarterscores: 25-12; 51-22; 78-39; 102-58.
Chinese-Taipei 94 - Chen 13, Tien 12, Lu 11, Creighton 11, Yang 10, Davis 9, Hung 7, Chou 7, Lin 6, Tsai 6, Tseng 2, Lee 0
Hong Kong 55 - Fong 13, Reid 9, Chan Y. 9, Lee 5, Li 4, Lau Tung Leung 4, Chan S. 3, Lam 3, Lau Tsz Lai 3, Wong 2, Poon 0
Quarterscores: 19-19; 43-32; 74-43; 94-55.
- Latest