^

PSN Palaro

Ravena bumabandera sa karera ng MVP sa juniors UAAP

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbunga ang magandang ipinakikita ni Thirdy Ravena para sa Ateneo Blue Eaglets nang hawakan niya ang unang puwesto kung MVP race sa UAAP juniors division ang pag-u­usapan.

Ang nakababatang ka­­patid ni Kiefer Ravena ng Blue Eagles ay nakali­kom na ng Total Statistical Points 74.4286 puntos para makaangat ng kaunti sa kakamping si Michael Nieto na may 73.1667.

May 5-2 karta ang Blue Eaglets matapos ang pitong laro at si Ravena na hindi lumiban sa aksyon ay nagkaroon ng 446 Statistical Points at 75 bonus points.

Naghahatid si Ravena ng 19 puntos average na pa­ngalawa sa liga, bukod pa sa 9.4 rebounds at 4.1 assists. Ang mantsa sa kanyang impresibong ipinakikita ay ang 3.9 errors na number one rin sa liga.

Si Nieto  ang nangungunang rebounder sa dibisyon sa 15.5 boards upang isahog sa kanyang 15.7 puntos upang magkaroon ng 379 SPs at 60 bonus points.

Magkasama sa ikatlong puwesto sa MVP race ang kamador ng National University na si Mark Dyke at Reinier Quinga ng Adamson.

Sinasandalan ni Dyke ang 7-0 sweep ng Bullpups sa first round para sa na­ngungunang 105 bonus points at isinama sa 375 SP para sa 68.5714 Total SP.

Si Quinga na gumagawa ng 17.1 puntos, 14.9 re­bounds at nangungunang 2.9 blocks ang nakapagpundar ng pinakamataas na SP na  480 puntos pero wala siyang bonus points dahil isang panalo lamang sa pitong laro ang naiposte ng Baby Falcons.

Si Henri Subido ng La Salle ang nasa ikalimang puwesto sa 67.8571.

ATENEO BLUE EAGLETS

BABY FALCONS

BLUE EAGLES

BLUE EAGLETS

KIEFER RAVENA

LA SALLE

MARK DYKE

MICHAEL NIETO

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with