Palawan Pawnshop, Technosports suportado pa rin ang Junior Tennis
MANILA, Philippines - Patuloy na susuporta ang Palawan Pawnshop at Technosports sa junior tennis para patingkarin ang pagtuklas ng mga batang tenista sa kabuuan ng bansa.
“It has been our desire to help boost the sport and at the same time tap new talents who can be developed and trained to become world class athletes,†wika ni Bobby Castro na COO ng Palawan Pawnshop.
Unang torneo na pagÂlalabanan ay ang 4th Olivarez Cup Open mula Agosto 14 hanggang 21.
Ang circuit na may basbas ng Philippine Tennis Association (Philta) at ginagawa sa Luzon, Visayas at Mindanao ay nagsimula sa Dumalag, Capiz noong Enero at matatapos sa Manila sa Disyembre.
“The junior tennis program is designed to instill the benefits of physical fitness and core values that promote tennis and aid in addressing the problem of juvenile delinquency,†pahayag ni Guillermo Nocum na pangulo ng Technosports.
Ang mga palaro sa Mindanao ay libre na para makaengganyo ng mas maraming bata na sumali at mapalakas ang deveÂlopment programs ng iba’t-ibang clubs sa nasabing lugar.
- Latest