^

PSN Palaro

Reyes itinuturing na mahirap na kalaban ang Kazakhstan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Ka­zakhs­tan ang pagwalis sa preliminary round sa Group D matapos igupo ang India, 80-67, sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nauna nang tinalo ng Kazakhstan ang Thailand, 81-67, at ang Bahrain, 79-76 via overtime, para iposte ang kanilang 3-0 record.

Ang Kazakhstan ang nagpahirap sa Gilas Pilipinas sa kanilang pinakahu-ling tune-up game bago ang torneo.

Sumandal ang Natio-nals kay Jeff Chan sa dulo ng fourth quarter para ta­lunin ang Kazakhs, 92-89, noong Hulyo 26 sa Smart Araneta Coliseum.

Sinabi ni Gilas head coach Chot Reyes na maaaring muling makasagupa ng mga Pinoy ang Kazakhs sa quarterfinal round ng 2013 FIBA-Asia Championships.

“In my books, Kazakhs­tan is one of the stronger teams. We always have a tough time with them that’s why we chose not to group with them in the preliminary round,” wika ni Reyes.

Ngunit bago ito mangyari ay haharapin muna ng Kazakhstan sa second round ang nagdedepensang China, Iran at South Korea.

Sa kanilang panalo sa India, umiskor si Mikhail Yevstigneyev ng 21 points bagamat na-foul out sa fourth quarter para sa Kazakhstan, habang may 16 si naturalized guard Jerry Johnson.

 

ANG KAZAKHSTAN

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIA MEN

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

GROUP D

JEFF CHAN

KAZAKHS

KAZAKHSTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with