^

PSN Palaro

3 Pinoy rowers sasagwan sa World Rowing Championships

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inimbitahan ang Pilipi­nas na magpadala ng tatlong rowers sa gagana­ping 2013 World Rowing Championships sa Chungju, Korea mula Agosto 25 hanggang Setyembre 1.

Pinangalanan ng Phi­lippine Rowing Association sina Olympian Benjie Tolentino, Alvin Amposta at Edgar Ilas  para siyang kumatawan sa prestihiyosong event.

“Ayaw ko na sana magpadala pero pinakiusapan tayo na magpadala ng token rowers kaya tatlo ang ipadadala natin,” wika ni PWA president Benjamin Ramos.

Ito ang ikalawang tor­­­neo nina Tolentino at Ilas matapos maglaro sa Southeast Asian Rowing Championships sa Malaysia noong Mayo at pinalad ang dalawa na manalo ng ginto sa doubles scull.

Si Tolentino na 2000 Sydney Olympics veteran, ay kakampanya ngayon sa lightweight single sculls habang sina Ilas at Amposta ang magdadala sa Pilipinas sa lightweight doubles sculls.

Ang paglahok ng tatlong rowers na ito ay bahagi rin ng paghahanda nila para sa Myanmar  SEA Games sa Disyembre.

Limang rowers ang ipinatala ng rowing association sa POC-PSC Task Force SEA Games at ang dalawa ay sina Roque Aba­la Jr.,  at  Nestor Cordova.

 Hindi man nakasama sa World Championships, sina Abala at Cordova ay makakasama ng tatlong kasamahan sa isang buwang pagsasanay sa China.

 

ALVIN AMPOSTA

BENJAMIN RAMOS

EDGAR ILAS

ILAS

NESTOR CORDOVA

OLYMPIAN BENJIE TOLENTINO

ROQUE ABA

ROWING ASSOCIATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with