Castro apelyido ng ama ang ginamit
MANILA, Philippines - Sa unang laro ng Gilas Pilipinas laban sa Saudi Arabia noong Huwebes ng gabi ay nakita sa likod ng uniporme ni Jayson Castro ang apelyidong ‘William’.
Walang nangyaring pagkakamali sa nasabing basketball jersey ng Talk ‘N Text point guard.
Sinabi ng mga team officials ng Gilas na mas pinili ni Castro na gamitin ang ‘William’ na apelyido ng kanyang amang si Ronald William, isang US Navyman mula sa Alabama, na hiniwalayan ng kanyang inang si Rosario Castro.
Ang ‘William’ ang ginagamit ni Castro sa kanyang passport.
Kasama ng kanyang ina sa US ang kapatid niyang si Nikki.
Ipinanganak ang 5-foot-11 na si Castro noong HunÂyo 30, 1986 sa Guagua, Pampanga at naglaro para sa Philippine Christian University sa NCAA noong 2003.
Katuwang sina Gabby Espinas at Ron Sanz, winalis ng Dolphins ang Perpetual Altas sa kanilang best-of-three championships series para angkinin ang unang NCAA crown ng PCU noong 2004.
Noong 2008 ay umakyat sa PBA si Castro at nahirang na third overall pick ng Tropang Texters.
- Latest