UP dudulog sa DepEd para patunayang eligible si General
MANILA, Philippines - Hihingi ng sertipikasyon ang University of the Philippines sa Department of Education para patunayan na puwedeng maglaro si Jozhua Mcdaniel General sa 76th UAAP juniors basketball.
Si Jozhua General ay itinalaga ng UAAP board bilang ineligible player dahilan upang mabura ang natatanging panalo ng Junior Maroons sa Adamson Junior Falcons, 89-87, sa larong umabot ng apat na overtime noong Hulyo 15 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Jozhua is eligible to play for UPIS because as per DepEd, his graduation from Lourdes MandaluÂyong in 2010 is his elemenÂtary graduation, which supersedes his Grade Six graduation in Naga,†wika ng kanilang coach Allan Gregorio.
Noong 2008 tumapos ng elementary si General sa Naga City pero noong tumungo siya sa Manila para ipagpatuloy ang pag-aaral, lumalabas na bata pa siya (edad 11) para mag-high school kaya’t kinailangan niyang mag-grade seven.
Sa desisyon na ginawa ng UAAP, sinabi nilang ang graduation sa Naga ni General ang siya nilang kinikilala kaya’t hindi siya puwedeng maglaro dahil lampas na siya sa limang taon maximum years allowance ng liga.
Pinuna rin ni Gregorio ang naunang desisyon ng UAAP sa eligibility meeting na kungsaan idineklara nilang puwedeng maglaro si General.
“Why take away an opportunity from a young man when the rule does not state that a person’s first graduation has to be considered even if the boy has given a higher level of elementary graduation certified by the DepEd?†ani ni Gregorio.
Sa DedEd na lamang aasa ang UPIS dahil ang usaping ito ay tinapos na ng UAAP board.
- Latest