Sa World Big League Softball series sa Amerika team Manila kumpiyansang maidepensa ang titulo
MANILA, Philippines - Malaki ang tsansa ng Team Manila na maidepensa ang hawak na titulo sa World Big League Softball Series na lalaruin sa unang pagkakataon sa Sussex County, Delaware, USA mula Agosto 4 hanggang 10.
Tatlo lamang ang beteÂrano ng koponang nagkampeon noong nakaraang taon at aminado si coach Ana Santiago na maaaring indahin nila ang pressure sa paglalaro sa labas ng bansa
Pero tiwala si Santiago na masasanay din ang mga baguhan habang tuÂmaÂtagal ang laro at nakiÂkita niya ang kakayahan na maidepensa ang titulo dahil mas mabibilis at mas malalakas kung humataw sa bola ang manlalarong bubuo sa team.
“Sa first nine ko, pito rito ang power hitters. Mabibilis din sila kaya naniniwala akong kaya naming maka-back-to-back titles,†ani Santiago na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Kasama niyang bumiÂsita ang pitcher na si Baby Jane Raro bukod pa sa mga outfielders na sina Angelie Ursabia at Lorna Adorable.
Si Raro ay beterano ng 2012 champion team at makakasama niya si Queeny Sabobo na magbibigay ng liderato sa kopoÂnan.
Tumulong sa gastusin ng koponan sina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno bukod pa sa ICTSI at PSC na siyang nagbigay ng allowances na $150.00 kada manlalaro.
Aalis ang delegasyon ngayon upang magkaroon ng ilang araw na pamamaÂlagi sa Delaware para masanay sa klima.
“Unang pagkakataon din na aalis kami ng maaga para magkaroon ng pagkaÂkataon na masanay sa panahon at oras sa Delaware. Noong nakaraang taon ay hiwa-hiwalay ang alis namin at dumating kami sa araw na maglalaro na rin kami. Kaya matibay ang paniniwala kong kaya naÂming idepensa ang titulo,†dagdag ni Santiago.
Makulay ang naitalang panalo ng koponan dahil natalo muna sila sa unang dalawang laro bago winalis ang pitong sunod na labanan kasama ang 14-2 panalo sa California para sa titulo.
- Latest