1st BGC Cycling Phlippines sa Nov. Cycling sa bansa pasisiglahin
MANILA, Philippines - Makikilala lalo ang Pilipinas bilang lugar na puwedeng pagdausan ng malalaking karera sa bisikleta matapos magkasundo ang Sunrise Events Inc. at Cycling Asia sa pagsagawa ng Bonifacio Global City (BGC) Cycling PhiÂlippines mula Nobyembre 15 hanggang 17 sa Taguig City.
“We are delighted to be expanding Cycle Asia to the Philippines and we look forward to working alongside Sunrise Events who have built an outstanding reputation for delivering first-class sporting events,†wika ni Chris Robb, managing director ng Spectrum Worldwide na organizer ng Cycling Asia, sa press conference kahapon sa Seda Hotel sa BGC, Taguig City.
Dahil unang tambalan pa lamang, tututok ang event sa mga recreational cyclists mula sa edad dalawang taon pataas at sila ay magkakaroon ng kani-kanilang dibisyon at distansyang paglalabanan.
May plano rin ang organizers na magsagawa ng Asian Criterium na lalahukan ng elite riders pero pinag-aaralan pa ang bagay na ito.
Masaya naman si Sunrise Events President at Chairman Wilfred Uytengsu sa bagong tambalan at kumbinsidong matutulad ang cycling sa tagumpay na tinatamasa ng mga triathlon events na kanilang hawak.
“We now see a boom in cycling and we want to help improve the level in this sport. We have a reasonable success in triathlon and we are very enthusiastic about the partnership,†wika ni Uytengsu.
Ang Fox International Channel and co-presentor habang ang iba pang sumusuporta ay ang MMDA, Gatorade, Seda Hotel, Rudy Project, F2P, Felt Bikes at The Philippine Star.
- Latest