^

PSN Palaro

Kampeon sa US Open One Pocket title Orcolo wagi kay Deuel

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang tumbok ni Dennis Orcollo nang kalusin si Corey Deuel ng US sa finals ng US Open One Pocket title na pinaglabanan kamakailan.

Hiniritan ni Orcollo ng 5-3 panalo si Deuel sa championship upang makumpleto ang magarang laro na kung saan hindi siya natalo sa winner’s group.

Dalawang beses pa niyang nakalaban si Deuel sa torneo at ang una ay para sa hot seat na mada­ling dinomina ng Filipino cue-artist sa 4-0 iskor.

Bumaba sa loser’s side si Deuel at minaliit ang hamon ng isa pang Pinoy na si Carlo Biado, 3-2, sa labanang umabot ng limang oras at magdedetermina kung sino ang katunggali sa titulo ni Orcollo.

Halagang $7,500.00 ang premyong naiuwi ni Orcollo habang $4,800.00 ang pakonsuelo ni Deuel.

Ang panalo ay magpapataas ng morale ni Orcollo sa paglahok niya sa US 10-ball Open na kung saan siya ang nagdedepensang kampeon.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Pinoy sa torneo sa US  matapos mamayagpag si Biado sa Hard Times 10-ball Open.

Si Biado na nakapag-uwi ng $3,500.00 premyo, ang lalabas na ikaapat na sunod na man­lalaro ng bansa na hinirang na kam­peon ng torneo matapos sina Lee Van Corteza (2010), Alex Pagulayan (2011) at Orcollo (2012).

Pumangalawa kay Biado si Pagulayan para sa $3,200.00 premyo bago sumunod si Orcollo na may $1,800.00 premyo. Ang dayuhang nakalusot para malagay sa top four ay ang German pool wizard Ralf Souquet para sa $1,000.00 premyo.

Si Biado ay kasali rin sa US 10-ball Open tulad ni Corteza  para magkaroon ng tatlong kinatawan ang Pilipinas.

Naglalaro na ang US 10-ball Open at si Orcollo ay mahaharap sa dalawang laro para makahabol sa ibang katunggali.

Unang katapat ni Orcollo si Kenichi Uchigaki ng Japan at ang mananalo ang makakasukatan si Shane Van Boening ng USA.

ALEX PAGULAYAN

BIADO

CARLO BIADO

COREY DEUEL

DENNIS ORCOLLO

DEUEL

HARD TIMES

ORCOLLO

SI BIADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with