^

PSN Palaro

James nangakong babalik uli, humanga sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humanga si LeBron Ja­mes sa mainit na pagtanggap sa kanya na ipinangako niyang mauulit ang ganitong pangyayari sa kanyang buhay.

“I can’t believe this is my first time here. Definitely, it’s not going to be my last,” wika ni James nang humarap sa mga mamamahayag upang ipaalam ang kanyang nararamdaman sa unang pagbisita sa Pilipinas.

Handog ng Nike, Philippines at tinaguriang “Witness History”, inamin ng 28-anyos, four-time Most Valuable Player sa NBA, na ngayon lamang niya napatotohanan ang mga sinasabi ng kanyang coach sa Miami Heat na si Eric Spoelstra sa kung gaano kamahal ng mga Filipino ang larong basketball.

“Basketball is huge. It’s probably the biggest sports over here and fans are very passionate about it,” dagdag nito.

Ikinuwento din niya ang kanyang kabataan at tinu­ran na ang paglalaro sa Little League (baseball) ang nakatulong para mahubog niya ang tamang kaisipan sa paglalaro.

“My little league coach taught me first how to play the right way. My whole dream was to try to get better each and every day,” ani pa nito.

Siya ngayon ang itinuturing bilang pinakamahusay na manlalaro sa basketball sa mundo matapos bigyan ng ikalawang sunod na titulo ang Heat.

Pero hindi umano siya makokontento sa mga naabot bagkus ay gagawin pa ang lahat para mapag­husay ang paglalaro ng basketball.

Matapos ang press conference ay nagtungo si James sa Mall of Asia Arena na kung saan may 10,000 panatiko ang naghihintay sa kanya.

Nagsagawa ng clinic si James kasama si Gilas coach Chot Reyes at ang 6’9 manlalaro ang siyang nagdemostra ng mga nais na ipagawa ni Reyes sa U16 players.

Matapos nito ay nagkaroon ng exhibition game at si James ay naglaro sa loob ng limang minuto kasama ng mga UAAP stars tulad nina Kiefer Ravena at Bobby Parks Jr, laban sa mga Gilas national team.

Pero wala ang suwerte sa pagkakataong ito para kay James dahil sablay ang buslo na sana’y nagpatabla sa iskor upang manalo ang Gilas, 29-27.

Lilisanin ni James ang Pilipinas ngayong umaga lulan ang private plane at sunod na bibisitahin ang China.

BOBBY PARKS JR

CHOT REYES

ERIC SPOELSTRA

KIEFER RAVENA

LITTLE LEAGUE

MALL OF ASIA ARENA

MATAPOS

MIAMI HEAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with