^

PSN Palaro

Women’s basketball team pinalagan ang criteria ng POC at PSC para sa SEAG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na dapat isinama ang Philippine women’s basketball team sa mga koponang hindi ipapadala sa Myanmar Southeast Asian Games.

Ito ang paniniwala ni team manager Cynthia Tiu na itinuturing ang national team bilang isang gold medal potential na siyang pangunahing kriterya na ginagamit ng POC at PSC kung sino ang dapat na makasama sa delegasyon.

Tinuran ng women’s cage team official na ang koponan ay isang silver medalist sa 2011 Indonesia SEA Games at nangyari ito matapos mabiktima ng masamang officiating sa laro laban sa Thailand.

“Ang criteria ng POC at PSC ay gold medal winners o potential gold medalist. Kung ito ang kanilang basehan bakit nila iiwan ang women’s national team?” tanong si Tiu, may-ari ng Discovery Suites na siyang tumutulong sa koponan,

Sumulat na siya kay Chief of Mission Col. Jeff Tamayo para ipaalam ang nararamdaman ng buong koponan pero wala siyang balak na hingiin sa POC o PSC na baguhin ang kanilang desisyon.

“Bahala na sila kung ayaw nila kaming ipadala. But we feel, we owe it not only to the Philippine team members but to the entire women’s basketball community to fight for all the woman players to keep their dreams of representing the country alive,” wika pa ni Tiu.

Ang women’s basketball ang ikalawang team sport na lumabas para ku­westiyunin ang criteria na ipinalabas ng POC, pi­namumunuan ni Jose Co­juangco Jr., at PSC, pi­­nangungunahan ni chairman Ricardo Garcia.

Una nang naghayag ng saloobin ang football federation na itinutulak ang pagsali ng Under 23 team dahil masisira ang development ng sport hindi lamang sa mga manlalaro kundi pati sa mga sponsors na tu­mutulong sa dito.

BAHALA

CHIEF OF MISSION COL

CYNTHIA TIU

DISCOVERY SUITES

JEFF TAMAYO

JOSE CO

MYANMAR SOUTHEAST ASIAN GAMES

RICARDO GARCIA

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with